Isip bata..

Posted: Friday, December 3, 2010 by Frostbite. in
0

..alas dos y meja na......ng madaling araw..

..gising pa ko..lumulutang ang isip..umuwi ng maaga para sana tapusin ang nasimulan..pero hinayaan lang palang nakabitin at nagpatuloy lang sa pagtambay sa cloud 9..

..tuwing may problema ko lalabas lang ako ng bahay..titignan yung mga batang tumatakbo..maiisip ko..ang kewl talaga maging bata..patakbo takbo lang..patawa tawa..tas maya maya uuwi ng bahay..sisigaw ng "mama yung pagkaen ko!" tas uupo sa sala para manood ng cartoons..tas pag inantok tulog na..abay kasarap nga naman..

..pero nung bata ako..ang gusto ko naman e tumanda na..kase pag matanda kahit ano pwede mong gawin..walang magrerestrict sayo..walang bawal kung gugustuhin mo..nakikita ko yung mga matatanda noon na gumagala pag gabe ng hindi napapagalitan..tapos kung gugustuhin nila pwede na silang magpamilya..kasama yung mahal nila..

..pero di pala ganun kadali..sabi nga ni uncle ben: "with great power comes great responsibilities"..

..habang tumatanda ako..nakita kong unti unti..nagkakapower nga ako..oo alam ko hindi ko kayang umakyat sa pader na kagaya ng kay spiderman o magpalabas ng laser sa mata kagaya ni superman o magpose sa highway ng nakabikini lang kagaya ng ginawa ni Diana Zubiri dati..kakaibang power 'to..eto yung power mo sa sarili mo..yun bang ikaw yung may kapangyarihan para magdecide kung anong mangyayare sa buhay mo..kung pipiliin mo bang maging malakas o titigil ka na lang at iisiping mahina ka..kung pipiliin mo bang makatulong sa kapwa o maninira ng buhay ng iba..kung bibigyan mo ba ng magandang kinabukasan ang sarili mo..o kakain ka nalang ng kaning lamig sa bahay nyo habang nakatunganga..

..hindi ako perpekto..inaamin ko..mas madaming beses akong nagkamali kesa tumama..pero nakakakuha ko ng aral sa bawat mali..at pinipilit ko nang gawing tama..parang bata..nadadapa..nagkakasugat..iiyak sa magulang na kala mo e sinapak ng 10 boksingero..at pagkatapos non..iisipin na niya na masakit palang madapa..at hindi na siya uulit..pero maya maya..BOGS!..sugat nanaman!..nadapa nanaman pala..

.."ANO NANAMAN YAN ARVIIIIIIIIIN!"..sunod na maririnig..galing sa nanay ko..

..nung bata ako..napakahilig kong kumanta..sa sobrang hilig ko e kumakanta ko noon sa christmas party namen sa school..at 2 beses ata dun s christmas party sa office ng tatay ko dati..talagang asa ako nun..tingin ko singer na talaga ko..kase andameng nagsasabi noon na maganda "daw" ang boses ko..except sa isang tao..

..pero lately pinanuod ko yung vid ko nung bata habang nagpapraktis..kuha ng tatay ko..dun ko napagtanto na ang magulang mo lang pala talaga ang may tunay malasakit sa'yo..kase yung isang taong nagsasabi na hindi ganon kaganda yung boses ko e yung tatay ko(actually di naman nya sinabing hindi maganda..sabi lang nya minsan wala sa tono)..

..idadagdag ko lang pala..nung grade 5 ako..gumawa kameng magkakapitbahay ng "boyband"..inimpersonate namen ang blue at westlife..kumakanta kame every new year's party sa street namen noon..pero nung nakita ko siya lately............man i'm so friggin speechless..AKO BA TO??? BAKIT KO HINAYAAN ANG SARILI KONG GAWIN TO??! XD

..pag bata ka kase akala mo tama talaga yung ginagawa mo..kala mo lahat maganda..oo siguro yung iba alam mong mali pero dahil bata ka wala ka ng pakialam..basta kewl..kahit makapaminsala..ayos lang!..yun yung isa sa mga dahilan kung bakit kelangn ang mga magulang sa isang bata..sila yung "gabay"..isipin mo nalang kung hindi ako naparealize sakin yon ng tatay ko..e di sana parang William Hung na ko ngayon..tiyak na mamiminsala talaga ko.. XD

..MAHAL KITA!..oo mahal kita..natry mo na ba tong sabihin nung bata ka?..ako muntik..

..akala ko non ang love parang wala lang..pag attracted ka sa isang tao..love na yon..kailangan lage mo sya nakikita..sumasaya ka pag nakikita mo sya..at iba pang mga bagay na cheesy pakinggan na hindi ko naisip sabihin sa mga oras na 'to..

..tas akalain mo nung tumanda ako..GANON PADIN!..wahaha..XD..mahirap ikaila yon..oo korni na kung sa korni..baduy na kung baduy..pero pag sobrang naatract ka sa isang tao..parang ang hirap na alisin sya sa isip mo..hindi mo mamamalayan minsan..parang sub-conscious ganon..pero......hindi na katulad nung bata ka..discreet na ngayon..lumulugar na sa tama..

..ngayon..ang hirap sabihin non..ayun o..yung asa may taas..ayun..ayun!..ung ma..ma..mahal.. basta yon! haha..

..hindi na kase siya basta nakabind lang dun sa two words na yon..habang tumatanda..dumadami ang factors..patanda ng patanda..pahirap ng pahirap magsabi ng nararamdaman..pahirap ng pahirap humanap ng chempo..kase..palaki ng palaki yung at stake..

..haay..basta ako alam ko..mahalaga ka sakin.."I can't lose you"..sabi nga ng F4..

..dagdag ulet..Flower 4 yung meaning ng F4 diba?..HOW FRIGGIN SISSY.. napakagandang pangalan para sa isang grupo ng mga lalake..machong macho talaga pakinggan..

(mandarin subbed to tagalog)..
VIC:pare ano kayang magandang itawag satin..
KEN:hmmm..dapat yung astig..yung talagang macho..
VANESS: *dancing* DND
DAO:(may bulaklak sa tenga)..pare yung brusko dapat a..ayokong pagtawanan ng mga chikababes..sayang lang ang gym training ko..
bakal boys?
puberty boys?
beerhouse boys?

SABAY SABAY: FLOWER FOUR!!!!!!!!!!

..titigil na muna ako dito..tutuloy ko nalang some other time..o pwede ring hindi na..

..good night world..or should I say..good morning..

..at dahil lahat ng cool writers/poets e may astig na quote bago tapusin ang sinulat nila..meron din ako, c/o Pokwang:

"Roses are Red, Violets are Blue..
If God made me beautiful..
What happened to you???"

S-Y-F-F-U-F.

Posted: Sunday, April 11, 2010 by Frostbite. in
0

This summary is not available. Please click here to view the post.

Katamaran.

Posted: by Frostbite. in
0

First.Real.Sensible.Blogpost.

And what better way to start blogging is to talk about my favorite pasttime. Doing nothing.

I dunno. siguro ganun lang talaga ko. Ngayon gusto kong gawin 'to. Maya maya, ayoko na bigla. Ganun. Parang yung interes ko sa lahat ng bagay sobrang temporary lang, tas babalik sila a couple of minutes or hours later. Then I'll think of something awesome again. Tapos pag gagawin ko na wala na, katamad e.

Parang title ng blog ko. Crash. Burn. Rinse. Repeat.

Ako yung tipo ng tao na impulsive pero cautious. gets nyo? ako hinde.

Parang, NO, hindi parang, dapat gagawin ko lahat ng bagay on the get-go. Kumbaga pag nagstart ako magisip ng ideas or tamaan ako ng inspiration meteor, dapat gawin ko na agad. Pero pag naisip ko na gawin yon bigla ko iisiping baka ganito, baka ganyan, tamaan ng kidlat, bagsakan ng bato. get the picture? ku-ra-pu.

Tamo, sa mga oras na 'to. tinamad na ko ituloy tong post na 'to.

Pero eto, tinutuloy ko ulit. after 1 hour.

Pero wala na yung idea a. kaya hanggang dito nalang. :|

Genesis.

Posted: Thursday, December 24, 2009 by Frostbite. in
0

Wow, blogging. haven't really considered doing it until today.